Nagtagpo, Nobyembre 28, 2022, sa Beijing sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Batmunkh Battsetseg, Ministrong Panlabas ng Mongolia.
Ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Mongolia, na pasulungin ang kooperasyon sa daan ng pag-unlad at modernisasyon, tungo sa pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Mongolia.
Aniya, napakalaki ng nakatagong lakas at espasyong pangkaunlaran ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.
Kasama ng panig Mongolian, umaasa aniya ang panig Tsino, na mapapalalim ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhaya’t kalakalan, yamang mineral, custom clearance, konstruksyon ng imprastruktura, pagpigil sa disertipikasyon, pagpapalitan ng kultura at mga tauhan.
Sinabi naman ni Battsetseg, na napakahalaga ang kooperasyon ng dalawang bansa para sa kaunlarang pangkabuhyan ng Mongolia.
Nakahada rin aniya ang Mongolia, na palakasin ang koordinasyon at konektibidad sa Tsina, pasulungin ang konstruksyon ng mga proyekto, para mapasulong ang relasyong Mongol-Sino sa mas mataas na lebel.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio