Warehouse and Awareness Center ng LMC, pinasinayaan sa Myanmar

2022-11-30 15:35:32  CMG
Share with:

Pormal na pinasinayaan Nobyembre 29, 2022 sa Pindaya, Shan State ng Myanmar ang Warehouse and Awareness Center ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC).

 

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon, inihayag ni Zheng Zhihong, Minister Counsellor ng Pasuguan ng Tsina sa Myanmar, na naisagawa na ng Tsina, kasama ng iba pang 5 bansa sa kahabaan ng Ilog Lancang-Mekong ang 6 na magkakasanib na kampanya laban sa droga.

 

Ang pagkakatatag aniya ng naturang sentro ay mas mainam na magbibigay-garantiya sa pragmatikong kooperasyon ng 6 na bansa ng LMC sa larangan ng seguridad sa pagpapatupad ng batas, at magpapatibay ng magkakasanib na pagbabawal sa droga sa rehiyon ng Golden Triangle.

 

Mapapawi rin nito ang banta ng droga, totohanang maipagtatanggol ang seguridad at katatagan ng rehiyon, at lilikha ng paborableng kapaligiran para sa kaunlaran at kasaganaan ng Myanmar at rehiyon, dagdag niya.

 

Pinasalamatan naman ni Thet Thet Khine, Minister for Social Welfare, Relief and Resettlement ng Myanmar, ang ibinigay na tulong ng Tsina.

 

Kabilang sa 6 na bansa ng LMC ang Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Biyetnam at Thailand.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio