Mensaheng pambati sa International Day of Solidarity with the Palestinian People, inihayag ni Xi Jinping

2022-11-30 14:44:58  CMG
Share with:

Isang mensaheng pambati ang ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pulong, Nobyembre 29, 2022, ng United Nations (UN) kaugnay ng International Day of Solidarity with the Palestinian People.


Aniya, ang mapayapang pakikipamuhayan ng Palestina at Israel, at magkasamang kaunlaran ng Nasyong Arabe at Nasyong Hudyo ay angkop sa pangmatagalang kapakanan ng dalawang panig at komong hangarin ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa sa daigdig.


Kaya dapat aniyang manangan ang komunidad ng daigdig sa “two-state solution,” ipauna ang isyu ng Palestina sa mga adiyendang pandaigdig, at tulungan ang mga Palestino na makamit ang kanilang pangarap na independiyenteng bansa, sa lalong madaling panahon.


Diin ni Xi, matatag na suportado ng Tsina ang talastasang pangkapayapaan at katiwasayan sa pagitan ng Palestina at Israel. Bukod dito, patuloy rin aniyang ipagkakaloob ng Tsina ang tulong sa pagpapa-unlad at pagpapabuti ng kabuhayan at buhay ng mga Palestino.


Bilang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council (UNSC) at isang responsableng bansa, patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, para isakatuparan ang pangkalahatang kaligtasan, pangmalayuang kapayapaan at komong kasaganaan ng Gitnang Silangan, dagdag ni Xi.


Salin: Kulas

Pulido: Rhio/Jade