Magkasamang pagsisikap sa paglutas ng isyu ng Palestina, ipinanawagan ng Tsina

2022-12-01 15:30:18  CMG
Share with:

Sa pulong ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN), Nobyembre 30, 2022, nanawagan sa komunidad ng daigdig si Geng Shuang, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na magkakasamang magsikap upang komprehensibo at makatarungang maresolba ang isyu ng Palestina.

 

Aniya, ang naturang isyu ay nukleong usapin ng Gitnang Silangan at ang komprehensibo at makatarungang paglutas dito ay ang susi sa katatagan at kapayapaang panrehiyon at katarungang pandaigdig.

 

Saad ni Geng, ang Tsina ay matatag na kumakatig sa kapayapaan ng Palestina at Israel at pagsasakatuparan ng magkasamang seguridad sa pagitan ng dalawang panig.

 

Aniya pa, dapat pantay na pakitunguhan ng komunidad ng daigdig ang mga pagkabahala ng Palestina at Israel sa seguridad, at katigan ang diyalogo at kooperasyon para isakatuparan ang katiwasayan.

 

Kinakatigan ng Tsina ang pagtatatag ng pundasyong panghanggahan ng Palestina, na itinakda noong 1967 at paggamit ng East Jerusalem bilang kabisera, saad pa ni Geng.

 

Sang-ayon din aniya Tsina sa mapayapang pakikipamuhayan ng Palestina at Israel.