Pangalawang PM ng Laos: China-Laos Railway, nagpataas ng estratehikong posisyon ng Laos sa daigdig

2022-12-04 18:54:18  CMG
Share with:

Sa pulong na idinaos kahapon, Disyembre 3, 2022, para suriin ang isang taong operasyon ng China-Laos Railway, sinabi ni Sonexay Siphandone, Pangalawang Punong Ministro ng Laos, na lubos na pinataas ng daambakal na ito ang estratehikong posisyon ng Laos sa daigdig, dahil sa pamamagitan nito, ang bansa ay naging mahalagang hub para sa transportasyon sa rehiyon.

 

Sinabi naman ni Xiang Fangqiang, Charge d'Affaires ng Embahada ng Tsina sa Laos, na nakahanda ang Tsina, kasama ng Laos, na tiyakin ang ligtas at mahusay na operasyon ng naturang daambakal, at pasulungin ang pag-uugnay ng mga daambakal sa Tsina, Laos, Thailand, para magbigay ng mas malaking ambag sa rehiyonal na konektibidad at kasaganaan.

 

Isinalaysay naman ni Ju Guojiang, Tagapangulo ng Laos-China Railway Co., Ltd., isang joint venture ng Tsina at Laos na namamahala sa pagpapatakbo ng bahagi ng China-Laos Railway sa loob ng Laos, na sa pamamagitan ng daambakal na ito, ipinagkaloob ng kompanyang ito ang mahigit sa 100 libong hanapbuhay sa Laos, at hinubog ang mga lokal na talento sa aspekto ng daambakal.


Editor: Liu Kai