Porum sa kooperasyong pangkabuhayan, itinaguyod ng Tsina’t Myanmar

2022-12-05 15:30:30  CMG
Share with:


Yangon, Myanmar – Sa ilalim ng temang “Makabagong Pag-unlad ng Tsina at Kooperasyong Sino-Myanmar,” itinaguyod ng dalawang bansa, Disyembre 2, 2022 ang porum sa kooperasyong pangkabuhayan, upang ibayo pang palakasin ang kooperasyon sa ekonomiya’t pamumuhunan.

 

Inihayag ni Soe Thein, Yangon Region Chief Minister, ang pag-asang ma-aakit ng Myanmar ang mas maraming pamumuhunan mula sa Tsina.

 

Aniya, bilang pinakamalaking trade partner ng Myanmar, may malaking papel ang Tsina sa sektor ng kalakalan ng bansa.

 

Ayon naman kay Chen Hai, Embahador ng Tsina sa Myanmar, ang proseso ng modernisasyong Tsino ay makakapagpasigla sa kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Ayon sa Ministri ng Komersyo ng Myanmar, sa unang hati ng taong piskal 2022 hanggang 2023, nanatiling pinakamalaking trade partner ng Myanmar ang Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio