CMG Komentaryo: Kasaysayan ng ugnayang Sino-Arabiano: nagpapakita ng katapatan, kompiyansa at pagkatig

2022-12-08 16:58:18  CMG
Share with:

Ayon sa ulat kamakailan ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), ang ugnayang Sino-Arabiano sa bagong panahon ay nananatiling malakas.


Samantala, bago buksan ang FIFA World Cup Qatar 2022, ipinahayag ng mga bansang kanluranin ang pagboykot sa paligsahan, sa ngalan ng karapatang pantao.

 


Taliwas dito, ipinahayag ng Tsina ang pagkatig sa Qatar at pagtutol sa pagsasapulitika ng palakasan.

 

Bilang kapalit, ipinahayag din ng mga bansang Arabe ang pagkatig sa Tsina, sa mga isyung gaya ng Taiwan at Xinjiang.

 

Matapos maganap ang napakalakas na lindol sa lalawigang Sichuan noong 2008, agarang nagkaloob ng mahigit USD$60 milyon na tulong ang Saudi Arabia sa Tsina.

 

Nang sumiklab naman ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mga bansang Arabe, ipinadala ng Tsina ang mga grupong medikal upang tulungan silang makatayo sa epekto ng virus.

 

Hanggang noong Oktubre ng kasalukuyang taon, mahigit 340 milyong bakuna ang naipagkaloob na ng Tsina sa mga bansang Arabe.

 

Maliban diyan, mahalagang partner ng Tsina ang mga bansang Arabe sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative (BRI).

 

Hanggang sa kasalukuyan, maraming kasunduan sa ilalim ng BRI ang nilagdaan na ng Tsina kasama ang 20 bansang Arabe at Liga ng mga Bansang Arabe.

 

Bukod diyan, ang mga pambansang plano ng pag-unlad ng mga bansang Arabe na gaya ng Ehipto, Saudi Arabia at Qatar ay may malalim na ugnayan sa BRI.

 

Ito ay magdudulot ng mas maraming pagkakataon ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang panig sa hinaharap.