Sa paanyaya ni Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud ng Saudi Arabia, dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kauna-unahang China-Arab States Summit at China-Gulf Cooperation Council (GCC) Summit sa Riyadh, Saudi Arabia, at magsasagawa ng dalaw-pang-estado sa bansa mula Disyembre 7 hanggang 10, 2022.
Ang rehiyong Gitnang Silangan ay may napakahalagang katayuan sa larangan ng enerhiya at paglalayag sa buong daigdig.
Pero sa kabila nito, maligalig ang kalagayan ng rehiyon sa loob ng mahabang panahon.
Noong 2016, iniharap ni Pangulong Xi ang paninindigang Tsino sa isyu ng Ginang Silangan na gaya ng pagpapahigpit ng diyalogo para malutas ang mga pagkakaiba, at pagpili sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling pambansang kalagayan.
Ang paninindigang ito ay tumatalima sa ideya ng paggalang sa kabuuan ng teritoryo at pagsasarili ng mga bansa sa rehiyon, at hindi pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa.
Ito rin ay angkop sa kapakanan ng mga bansa sa Gitnang Silangan, na tumatanggi sa power politics, at hegemonismo.
Samantala, nananatiling mainam ang pagpapalagayan sa pagitan ng Tsina at mga bansang Arabe, at hanggang sa kasalukuyan, walang anumang sagupaan sa pagitan ng dalawang panig.
Palaging iginigiit ng Tsina ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at pluralismo sa pagitan ng iba’t-ibang sibilisasyon, at ito rin dahilan ng mapayapang pakikipamuhayan ng Tsina at mga bansang Arabe.
CMG Komentaryo: Ang espesyal na kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang Arabe
May lagdang artikulo, inilabas ni Xi Jinping sa media ng Saudi Arabia
2022 Chinese-Arab Media Cooperation Forum, ginanap sa Saudi Arabia
Xi Jinping, dadalo sa China-Arab Summit, China-GCC Summit at opisyal na dadalaw sa Saudi Arabia