CMG Komentaryo: Ang espesyal na kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang Arabe

2022-12-08 16:05:43  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud ng Saudi Arabia, dadalo mula Disyembre 7 hanggang 10, 2022, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kauna-unahang China-Arab States Summit at China-Gulf Cooperation Council (GCC) Summit sa Riyadh, Saudi Arabia, at magsasagawa ng dalaw-pang-estado sa bansa.

 

Mahaba ang kasaysayan ng pagpapalagayan sa pagitan ng sibilisasyong Tsino at Arabe at nananatiling matatag ang ugnayang ito.

 

Sa larangan ng enerhiya, malaking kooperasyon ang isinasagawa ng Tsina at mga bansang Arabe.

 


Ang Tsina ang pinakamalaking bansang nag-aangkat ng enerhiya sa buong daigdig at ang mga bansang Arabe ang siya namang pinakamalaking lugar na nagluluwas sa petrolyo sa Tsina.

 

Bukod sa enerhiya, isinasagawa rin ng dalawang panig ang mga kooperasyon sa mga larangang gaya ng bagong enerhiya at teknolohiya, sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road Initiative.

Isang mahalagang dahilan sa patuloy na pagsulong ng kooperasyon ng dalawang panig ay pagkokomplemento ng estrukturang pangkabuhayan isa’t-isa.

 

Sa loob ng mahabang panahon, katuwang ng mga bansang Arabe ang Tsina sa kooperasyong pangkabuhayan na nagpasulong sa komong pag-unlad.

 


Hinding-hindi nakialam ang Tsina sa kanilang mga suliraning panloob at hindi rin inudyukan ng Tsina ng bloc confrontation sa pagitan ng mga bansang Arabe.

 

Sa halip, palaging iginigiit ng Tsina ang paglutas ng mga hidwaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan.

 

Ito ang mahalagang dahilan ng magandang kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang Arabe.