Inanunsyo, Disyembre 7, 2022 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula Disyembre 8 hanggang 9, 2022, itataguyod ni Premyer Li Keqiang sa lunsod Huangshan, lalawigang Anhui ng Tsina ang Ika-7 “1+6” Roundtable.
Dito, makikipagtagpo aniya si Li kina Presidente David Malpass ng World Bank Group, Managing Director Kristalina Georgieva ng International Monetary Fund, Director-General Ngozi Okonjo-Iweala ng World Trade Organization, Director-General Gilbert F. Houngbo ng International Labor Organization, Secretary-General Mathias Cormann ng Organization for Economic Cooperation and Development, at Tagapangulong Klaas Knot ng Financial Stability Board.
Dagdag ni Mao, sa ilalim ng temang “Pagpapalakas ng Multilateral na Kooperasyon para sa Komong Kaunlaran ng Mundo,” tatalakayin ng mga lider ang mga paksang kinabibilangan ng pagbuo ng bukas na kabuhayang pandaigdig, pagpapasulong sa pagbangon at paglago ng kabuhayang pandaigdig, patuloy na pagpapalalim ng Tsina sa reporma at pagbubukas upang pasiglahin ang kabuhayang pandaigdig, at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio