Pangulong Tsino at Ehipto, nagtagpo: komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan sa makabagong panahon, itatayo

2022-12-09 15:30:59  CMG
Share with:

Nagtagpo Disyembre 8, 2022 (lokal na oras) sa Riyadh, Saudi Arabia, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Abdel Fattah El-Sisi ng Ehipto.

 

Sa kabila ng malalim at masalimuot na pagbabago ng kalagayang panrehiyon’t pandaigdig, tinukoy ni Xi, na mas naging ebidente ang kahalagahan ng estratehiko’t komprehensibong relasyong Sino-Ehipto.

 

Mayroon aniyang komong ideya at kapakanan ang Tsina’t Ehipto, kaya dapat magkasamang magsikap ang dalawang panig, para ibayo pang mapasulong ang pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership, tungo sa pagtatayo ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa sa makabagong panahon.

 

Sabi naman ni Pangulong El-Sisi, na ang kanyang pagdalo sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing 2022 Olympic Winter Games at pakikipagtagpo kay Pangulong Xi noong Pebrero ng kasalukuyang taon ay nagpakita ng suporta ng Ehipto sa Tsina, at nagpahigpit ng relasyon ng dalawang panig.  

 

Naniniwala siyang makakamit ng relasyong Ehipto-Sino ang malaking kaunlaran, at matatamo ang malaking bunga sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI).

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio/Jade