Pangulong Tsino, nagpaabot ng pakikiramay sa kanyang Egyptian counterpart kaugnay ng sunog na naganap sa simbahan

2022-08-17 16:03:32  CMG
Share with:

Kaugnay ng sunog na naganap sa isang simbahan sa Ehipto na nagresulta sa malubhang kasuwalti, ipinadala nitong Martes, Agosto 16, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay sa kanyang Egyptian counterpart na si Abdel-Fattah al-Sisi.

 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino at kanyang mismo, ipinaabot ni Xi ang lubos na pakikidalamhati sa mga biktima, at taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nasawi at mga nasugatan.

 

Umaasa aniya siyang gagaling sa lalong madaling panahon ang mga nasugatan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac