Nakipagtagpo Sabado, Pebrero 5, 2022 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Egyptian counterpart na si Abdel-Fattah al-Sisi.
Diin ni Xi, dapat magkakapit-bisig na umabante ang kapuwa panig, tungo sa target ng pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Ehipto sa bagong panahon.
Saad niya, kailangang palalimin ng magkabilang panig ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, patuloy na pasulungin ang sinerhiya ng Belt and Road Initiative at “Vision 2030” ng Ehipto, at isagawa ang kooperasyon sa pagpapatupad ng Global Development Initiative.
Palagay naman ng pangulong Egyptian na kamangha-mangha ang seremonya ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics.
Aniya, lubos nitong ipinamalas ang malakas na puwersang pang-estado at impluwensiya ng Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio