Xi Jinping at Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud ng Saudi Arabia, nagtapo

2022-12-09 15:18:18  CMG
Share with:

Nagtagpo Huwebes, Disyembre 8, 2022 sa Palasyo ng Al-Yamamah, Riyadh sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud ng Saudi Arabia.

 

Tinukoy ni Xi na malawak ang prospek ng kooperasyong Sino-Saudi Arabiano, at itinuturing ng Tsina ang Saudi Arabia bilang mahalagang puwersa sa multi-polarisadong daigdig.

 


Importante ang pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, dagdag niya.

 

Kasama ng Saudi Arabia, handa aniya ang panig Tsino upang patuloy na palakasin ang estratehikong pag-uugnayan, palalimin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, paglingkuran ang kapakanang pangkaunlaran ng dalawang bansa, at ipagtanggol ang kapayapaan at katatagan ng daigdig.

 

Saad naman ni Haring Salman, mainam na progreso ang natamo ng sinerhiya ng estratehiya ng dalawang bansa at kooperasyon sa iba’t-ibang larangan nitong nakalipas na ilang taon.

 

Kaugnay nito, lubos na pinahahalagahan ng Saudi Arabia ang pag-unlad ng relasyon sa Tsina, dagdag niya.

 

Nakahanda aniya siyang magpunyagi, kasama ni Pangulong Xi, para mapag-ibayo ang komprehensibo’t estratehikong partnership, at ihatid ang benepisyo sa mga mamamayan ng magkabilang panig.

 


Nilagdaan ng dalawang lider ang kasunduan sa komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Saudi Arabia, at sinang-ayunan ang pagdaraos ng pagtatagpo ng mga puno ng estado ng dalawang bansa kada dalawang taon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio