Tsina, suportado ang pagpapabuti ng relasyon ng GCC at Iran

2022-12-13 15:14:51  CMG
Share with:

Ipinahayag, Disyembre 12, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga bansang kabilang sa Gulf Cooperation Council (GCC) at Iran ay pawang mga kaibigan ng Tsina, at ang pagpapalakas ng uganayan ng Tsina sa GCC at Iran ay hindi nakatuon sa ika-3 panig.

 

Aniya, palagiang sinusuportahan ng Tsina ang pagpapabuti ng relasyon ng GCC at Iran, batay sa simulain ng mapagkaibigang pagkakapitbansa, pagsasagawa ng kooperasyon, pagsasakatuparan ng mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon, at magkasamang pagpapasulong sa kaunlaran at katatagan ng rehiyon ng Gulpo.

 

Handa aniyang gumanap ng mahalagang papel ang Tsina para rito.

 


Isinalaysay pa ni Wang na ginanap kamakailan ang kauna-unahang China-GCC Summit, at narating dito ng mga lider ng kapuwa panig ang mahahalagang komong palagay hinggil sa pagpapatibay ng pagtitiwalaang pulitikal at pagpapalakas ng kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Dagdag pa riyan, dumadalaw rin aniya sa Iran si Hu Chunhua, Pangalawang Premyer ng Tsina.

 

Nananalig aniya siyang ang naturang pagdalaw ay magkakaroon ng positibong papel sa pagpapalalim ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Iran.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio