Pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan tungo sa makabagong panahon, ipinagdiinan ni Xi Jinping sa China China-Arab States Summit

2022-12-10 11:55:19  CMG
Share with:

Ginanap Biyernes, Disyembre 9 (local time), 2022 sa Riyadh, Saudi Arabia ang kauna-unahang China-Arab States Summit.

 


Sa kanyang keynote speech sa summit, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon ng Tsina at mga bansang Arabe ay nagsisilbing modelo ng South-South Cooperation.

 

Diin niya, bilang estratehikong partner, dapat manahin at palaganapin ang diwa ng pagkakaibigan ng Tsina at mga bansang Arabe, palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan, buuin ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng kapuwa panig, mas mainam na ihatid ang benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan, at pasulungin ang progreso ng sangkatauhan.

 


Tinukoy ni Xi na bilang unang hakbang ng pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at mga bansang Arabe at pagpapatupad ng Outline ng Plano sa Komprehensibong Kooperasyon ng kapuwa panig, sa darating na 3 hanggang 5 taon, handa ang Tsina, kasama ng mga bansang Arabe na pasulungin ang walong pangunahing inisiyatibang pangkooperasyon sa mga larangang kinabibilangan ng suportang pangkaunlaran, seguridad ng pagkain, kalusugang pampubliko, berdeng inobasyon, seguridad ng enerhiya, inter-civilizational dialogue, pag-unlad ng mga kabataan, at seguridad at katatagan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Lito