Bilang tugon sa sinabi ng panig Amerikano tungkol sa karapatang pantao sa Tibet at ipinataw na sangsyon sa opisyal na Tsino, ipinahayag, Disyembre 12, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyung may kaugnayan sa Tibet ay suliraning panloob ng Tsina, at walang karapatan ang anumang dayuhang bansa na ito’y panghimasukan.
Sinabi ni Wang na ang mga hakbang ng panig Amerikano ay walang-galang na panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina, lantarang lumalabag sa pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, at grabeng nakakapinsala sa relasyong Sino-Amerikano.
Buong tindi itong tinututulan ng Tsina, ani Wang.
Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang kanselahin ang nasabing umano’y sangsyon, at itigil ang panghihimasok sa suliranin ng Tibet at suliraning panloob ng Tsina.