Ipinatalastas ngayong araw, Disyembre 14, 2022, ng Pambansang Komisyon sa Kalusugan ng Tsina, ang pagsisimula ng inokulasyon ng ikalawang COVID-19 vaccine booster para sa mga mamamayang may malaking panganib sa pandemiya.
Batay sa plano, babakunahan ang mga may edad sisenta (60) anyos pataas, o may naunang co-morbity at mahinang imunidad.
Samantala, ang mga taong nabigyan ng naunang booster shot, mahigit anim na buwan na ang nakalipas ay kailangan ding bigyan ng ikalawang booster.
Ipinagdiinan ng naturang komisyon ang kahalagahan ng pagbabakuna, at hiniling sa mga lokal na awtoridad ng kalusugan at iba pang may kinalamang departamento, na buong taimtim na subaybayan ang kaligtasan ng mga mamamayan at hikayatin ang mga nakatarget na grupo, na magpaturok ng booster.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan