Maayos na yugto ng transisyon sa pagtugon sa COVID-19, ipinagdiinan ng pangalawang premyer Tsino

2022-12-14 15:20:42  CMG
Share with:

Sa kanyang pagsusuri sa mga gawain ng epidemikong kontrol sa Beijing, ipinagdiinan, Disyembre 13, 2022 ni Sun Chunlan, Pangalawang Premyer ng Tsina, ang kahalagahan ng metikulosong implementasyon ng iba’t-ibang gawain tungo sa optimisasyon ng mga hakbang sa prebensyon at kontrol ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), habang tinitiyak ang panatag na yugto ng transisyon sa mga tugon ng bansa sa pandemiya.

 

Aniya, ang priyoridad ng trabaho sa kasalukuyan ay paglilipat ng pokus mula sa prebensyon ng impeksyon tungo sa panggagamot.

 

Layon aniya nitong igarantiya ang kalusugan ng mga Tsino at pigilan ang malubhang pagkakasakit.

 


Idiniin din niyang kailangang igiit ang prinsipyo ng pagpapauna sa kapakanan ng mga mamamayan.

 

Dapat din aniyang magkaagapay ang pagtugon sa COVID-19 at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

Mabilis na tumataas ngayon ang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Beijing, pero karamihan sa mga ito ay asimtomatiko at mahinahong kaso.

 

Samantala, may napabalitang 50 malubha at kritikal na kasong nilulunasan ngayon sa mga ospital, at karamihan sa kanila ay mayroon nang mga naunang co-morbity na kondisyon.