Sa pamamagitan ng video link, nagtagpo Miyerkules, Disyembre 14, 2022 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Zambry Abdul Kadir, bagong Ministrong Panlabas ng Malaysia.
Saad ni Wang, ang Tsina’t Malaysia ay milenyal nang magkaibigan at magkasama.
Kasama ng bagong pamahalaang Malaysian, handa aniya ang Tsina upang ipagpatuloy ang pagkakaibigan; palalimin ang pagtutulungan; magkasamang magpunyagi tungo sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina’t Malaysia; pasulungin ang bilateral na relasyon sa bagong antas; at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.
Inihayag naman ni Zambry na handa ang kanyang pamahalaan na palakasin ang pakikipagpalitan sa panig Tsino sa mataas na antas, at palalimin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio