Anwar Ibrahim, nanumpa bilang Malay PM

2022-11-25 14:00:22  CMG
Share with:


Nobyembre 24, 2022, Kuala Lumpur, Malaysia – Nanumpa bilang bagong punong ministro ng bansa si Anwar Ibrahim.

 

Sa news briefing pagkatapos ng inagurasyon, sinabi niyang isusulong ng bagong pamahalaan ang pagbangon ng kabuhayan, katatagang pampulitika at paggarantiya ng maharmonyang relasyon sa pagitan ng iba’t-ibang lahi at samahang panrelihiyon.

 

Sinabi rin niyang ang Tsina ay mahalagang kapitbansa ng Malaysia at ipi-priyoridad ng kanyang pamahalaan ang pagpapalakas ng relasyon sa Tsina sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan at kultura.