Kabayarang ekonomiko ng mga lockdown sa Tsina, karapat-dapat ba?

2022-12-15 18:47:58  CMG
Share with:

Sa kasalukuyan, inoptimisa na ng Tsina ang mga hakbang laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ang tanong, karapat-dapat ba ang mga lockdown na minsang inimplimenta upang maproteksyunan ang mga mamamayan, kahit ito’y nangangahulugang malaki ang kabayarang ekonomiko?

 

Isang pagawaan sa Lalawigang Jiangxi, Tsina


Ang sagot: ang paggarantiya sa kalusugan ng mga mamamayan ay garantiya rin sa produktibong lakas.

 

Maraming tao ang nagsabi na nitong nakalipas na 3 taon, magkakasunod na sumiklab sa iba’t-ibang lugar ng Tsina ang pandemiya.

 

Pero ito ba’y totoo?

 

Bilang ng mga bagong domestikong kaso ng COVID-19 kada araw noong nagdaang 3 taon


Ayon sa bukas na datos, mula noong Enero 10, 2020 hanggang sa kasalukuyan, 250 araw na walang bagong karagdagang domestikong kumpirmadong kaso sa Tsina.

 

Walang domestikong kaso sa loob ng 250 araw!

 

Ito’y nangyari sa Tsina, sa kabila ng pandaigdigang panahong 7 katao ang nahahawa sa coronavirus kada segundo.

 

Sa katunayan, ang lockdown ay hindi keyword sa nakaraang 3 taon.

 

Isang robot habang naglilinis ng kalye sa Hangzhou, Lalawigang Zhejiang sa silangang Tsina


Ang tao ay pinakamasiglang elemento ng produktibong lakas.

 

Sa pamamagitan ng lockdown, nagkaroon ng garantiya ang kalusugan ng mga tao, at dahil dito, nagkaroon din ng garantiya ang produktibong lakas.

 

Makaraan ang 3 taon, ang Tsina ay nasa bagong simula ng paglalakbay tungo sa kaunlaran.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio