Sa pamamagitan ng 10 hakbang na kinabibilangan ng siyentipikong pag-uuri ng mga may panganib na rehiyon, pagpapabuti sa paraan ng kuwarentina, pagpapabilis sa pagbabakuna ng matatanda, at iba pa, inoptimisa kamakailan ng pamahalaang Tsino ang mga gawain sa pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, nagiging maalwan sa kabuuan ang transrehinyonal na pagbibiyahe ng mga mamamayan sa malalaking lunsod na tulad ng Beijing at Shanghai, at unti-unting bumabalik sa normal ang produksyon at pamumuhay ng lipunang Tsino.
Sa kasalukuyan, lampas na sa 90% ang whole process vaccination ng bansa, bagay na nakapaglatag ng medyo matibay na hangganan ng imunidad.
Kasabay nito, dahil sa walang patid na pakikibaka laban sa mga virus, malinaw na lumakas ang kakayahan ng bansa sa pagdedebelop ng mga gamot at garantiyang medikal at materyal.
Nasa masusing panahon ngayon ang Tsina sa pagpapabuti at pagsasa-ayos ng mga patakaran sa pagpigil sa pandemiya.
Kaya, nanawagan ang sentral pamahalaan sa lahat ng may-kinalamang departamento na palakasin ang pagbabakuna sa lahat ng mamamayan, lalung-lalo na sa matatanda.
Hiniling din nito sa ilang lunsod na pabilisin ang pagpapabuti sa sistema ng panggagamot sa iba’t-ibang antas, at patibayin ang suplay ng mga gamot at paghahanda sa mga yamang medikal.
Ang lahat ng pagbabago ay nagpapakita ng orihinal na aspirasyon ng kampanya ng Tsina laban sa pandemiya na ipauna ang mga mamamayan at buhay.
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), Disyembre 13, 2022, halos 645 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, at lampas sa 6.63 milyon ang mga pumanaw.
Samantala, batay sa opisyal na datos ng Tsina Disyembre 14, halos 360,000 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso sa Chinese mainland, at 5,235 ang mga pumanaw.
Kasabay ng pag-optimisa ng Tsina sa mga patakaran sa pandemiya, magkakasunod na tinaya ng mga organo sa loob at labas ng bansa na ibayo pang babangon ang kabuhayang Tsino sa 2023, at ibubunsod nito ang mas malaking lakas-panulak sa kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio