Bagong hakbangin, isinasagawa ng mga lunsod ng Tsina sa pagharap sa COVID-19

2022-12-19 16:18:07  CMG
Share with:

 

Kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga nahahawa sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), isinasagawa ng mga lunsod ng Tsina ang mga bagong hakbangin upang harapin ang situwasyong ito.

 

Sa lunsod Suzhou, probinsyang Jiangsu, ang mga nucleic acid testing sites ay ginawang mga espesyal na istasyon sa pagkakaloob ng serbisyong medikal sa mga residenteng may lagnat.

 

Para naman ihatid ang mas episyente at maginhawang serbisyong medikal, inilabas kamakailan ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina ang patalastas na nagpapalawak sa online medical services sa mga maysakit ng COVID-19.

 

Kaugnay nito, ipinalabas din kamakailan ng lunsod ng Beijing ang listahan ng mga ospital at institusyong medikal na maaaring magkaloob ng online medical services sa mga maysakit.


Editor: Lito
Pulido: Rhio Zablan