Mga Pangulo ng Tsina at Alemanya, positibo sa 50 taong relasyon ng dalawang bansa

2022-12-21 23:02:09  CMG
Share with:

Sa pag-uusap sa telepono, Disyembre 20, 2022, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Frank-Walter Steinmeier ng Alemanya, sinabi ni Xi, na ang taong ito ay ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Alemanya.

 

Aniya, dahil sa kolektibong pagsisikap ng ilang henerasyon ng liderato ng kapuwa bansa, sumusulong ang relasyong Sino-Aleman, at naging estratehikong magkapartner ang dalawang bansa sa iba’t-ibang aspekto.

 

Tinukoy niyang, kung igigiit ng dalawang panig ang paggalang sa isa’t-isa at mutuwal na kapakinabangan, maisasakatuparan ang matatag at pangmatagalang pagsulong ng nasabing relasyon.

 

Tinukoy rin ni Xi, na kailangang igiit ng Tsina at Alemanya ang wastong pagka-unawa sa kanilang relasyon, pasulungin ang pragmatiko at bukas na kooperasyon, at magkasamang ibuhos ang pagsisikap sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Europa.

 

Sinabi naman ni Steinmeier, na nitong 50 taong nakalipas, patuloy na lumalakas ang relasyong Aleman-Sino, lumalawak ang nilalaman ng relasyong ito, at sumasagana ang bunga ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag din niya ang lubos na pananalig sa magandang kinabukasan ng relasyon ng Alemanya at Tsina.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan