Paggalang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Syria, ipinanawagan ng Tsina

2022-12-22 14:51:22  CMG
Share with:


Sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC), Miyerkules, Disyembre 21, 2022, hinggil sa makataong isyu sa Syria, ipinanawagan ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na igalang ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansang ito.

 

Aniya, nitong ilang taong nakalipas, nananatiling maligalig ang kalagayang panseguridad sa Syria, at madalas na isinasagawa ng Turkey at Israel ang pag-atake sa mga target sa loob ng bansa.

 

Ang Syria ay isang soberanong bansa, at dapat munang sumang-ayon ang pamahalaang Syriano bago isagawa ng ibang bansa ang anumang aksyong militar sa nasasakupan nito, saad niya.

 

Kahit ano man ang dahilan, ang walang permisyong aksyong militar sa Syria ay makakapinsala aniya sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.

 

Nananawagan ang panig Tsino sa Turkey at Israel na agarang itigil ang transnasyonal na pag-atake sa Syria, igiit ang paglutas sa mga isyu sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian, dagdag pa ni Geng.

 

Diin pa niya, dapat tapusin ang iligal na pagtatalaga ng mga dayuhang tropa sa loob ng Syria.