Katiwasayan sa kanlurang hanggahan ng Tsina’t Indiya, napagkasunduan

2022-12-23 23:08:09  CMG
Share with:

Ayon sa Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, idinaos, Disyembre 20, 2022, sa teritoryong sakop ng Tsina, sa purok hanggahan ng Moldo-Chushul ang ika-17 round ng pulong ng mga tropa ng Tsina at Indiya sa antas ng komander.

 

Batay sa mga progreso sa nagdaang round ng pulong na idinaos noong Hulyo 17, nagpalitan ng palagay ang dalawang panig tungkol sa paglutas sa mga isyung may kinalaman sa Line of Actual Control (LAC) sa kanlurang bahagi ng hanggahan ng dalawang bansa.

 

Sinang-ayunin din ng dalawang panig, na bago tuluyang malutas ang mga isyu, kailangang panatilihin ang katiwasayan at katatagan sa naturang rehiyon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan