Komong palagay sa isyu ng hanggahan, narating ng Tsina at India

2022-07-29 14:11:18  CMG
Share with:

 

Ipinahayag Hulyo 28, 2022 ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulan ng Tsina, na sa katatapos na ika-16 na round ng Corps Commander Level Meeting ng mga hukbo ng Tsina at India, narating ng dalawang panig ang 4 na komong palagay na kinabibilangan ng aktuwal na pagsasakatuparan ng mga mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, pagpapasulong ng pagpapanumbalik ng relasyon ng dalawang bansa, mabisang pagkontrol sa mga hidwaan para pangalagaan ang katatagan at seguridad ng purok-hanggahan at pagpapanatili ng pag-uugnayan at diyalogo para maabot ang plano ng paglutas sa lalong madaling panahon.

 

Ipinahayag ni Wu na sa kasalukuyan, nananatiling matatag ang kalagayan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa at hindi nahinto ang pag-uugnayan sa paraang diplomatiko at militar.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio