Nakasentro-sa-mamamayang sining at kultura, inenkorahe ni Xi Jinping

2022-12-26 15:15:39  CMG
Share with:


Sa kanyang liham, Disyembre 24, 2022 sa mga artista ng China Oriental Performing Arts Group, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nararapat lumikha ng mas maraming obra para paunlarin ang usaping pansining at pangkultura ng Tsina.

 

Hinangaan din ni Xi ang mga bungang natamo ng mga artista sa pagpapasagana ng sining at pandaigdigang pagpapalitang pangkultura nitong nakalipas na mga taon.