Sa Central Economic Work Conference kamakailan, ipinagdiinan ng Tsina na dapat ibayo pang hikayatin at gamitin ang puhunang dayuhan, pasulungin ang pagbubukas sa labas sa mataas na antas, at pataasin ang kalidad at lebel ng kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan.
Ipinasiya kamakailan ng Novo Nordisk, isang biopharmaceutical company ng Denmark na halos 30 taon nang namumuhunan sa Tsina, na maglaan ng 400 milyong yuan RMB sa pagtatayo ng kompanya ng pamumuhunan sa Lingang Special Area (Shanghai) Pilot Free Trade Zone.
Mula noong Enero hanggang Oktubre ng taong ito, umabot na sa halos 1.09 trilyong yuan RMB ang Foreign Direct Investment (FDI) sa Tsina, at ito ay lumaki ng 14.4% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Kabilang dito, tumaas ng 31.7% ang puhunang dayuhang aktuwal na nagamit sa industriya ng haytek.
Jiangdong New Area ng Hainan Free Trade Port
Sa kasalukuyan, ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng mahigit 140 bansa’t rehiyon sa buong mundo.
Kaugnay nito, nilagdaan ng Tsina nitong nakalipas na halos 10 taon ang 19 na kasunduan sa malayang kalakalan sa ibang bansa, at pinasulong ang konstruksyon ng 21 pilot free trade zone at Hainan Free Trade Port.
Isang intelligent car na itinanghal sa Ika-5 China International Import Expo (CIIE)
Booth ng Pilipinas sa 2022 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS)
Ayon sa World Openness Report 2022, mula noong 2012 hanggang 2020, tumaas ng 5.6% ang indeks ng pagbubukas ng Tsina, at nagsilbi itong mahalagang puwersang tagapagpasulong sa globalisasyon ng kabuhayan.
Zhoushan Port ng Ningbo, Lalawigang Zhejiang
Tinukoy naman ng ulat ng World Bank (WB), na ang komprehensibong pagpapatupad ng Belt and Road Initiative (BRI) ay nagbibigay ng pag-asa sa 7.6 milyong mamamayan mula sa mga kaukulang bansa, na makahulagpos sa ganap na kahirapan.
Friendship Tunnel sa China-Laos Railway
Dahil din sa BRI, inaasahang lalaki ng 6.2% ang kalakalang pandaigdig, at tataas ng 2.9% ang kita ng buong daigdig, dagdag ng WB.
Ang pagpapasulong ng Tsina sa pagbubukas sa mataas na antas ay tiyak na makakapagpasulong sa globalisasyon ng kabuhayan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio