Sa pagtitipun-tipon kahapon, Disyembre 30, 2022 bilang salubong sa Bagong Taon ng Pambansang Komite ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang taong 2023 ay simula ng komprehensibong pagpapatupad ng diwa ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ito aniya ay magtatakda ng tono para sa lahat ng mga usapin, at napakahalaga para sa hinaharap.
Nanawagan siya sa mga opisyal, na lakas-loob na harapin ang mga hamon, buong sikap na isakatuparan ang mga layunin at gawain sa susunod na taon, at ilatag ang mabuting pundasyon para sa pagtupad ng ikalawang sentenaryong target na pagbuo sa Tsina bilang malakas at modernong sosyalistang bansa.
Samantala, ipinahayag din ni Xi ang bating pambagong taon sa mga mamamayan ng iba’t-ibang etnikong nasyonalidad ng buong bansa, mga kababayan ng Hong Kong, Macao, at Taiwan, mga etnikong Tsino sa ibayong dagat, at mga dayuhang kaibigang nagbibigay-pansin at sumusuporta sa modernisasyon ng Tsina.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan