Implementasyon ng diwa ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, ipinagdiinan

2022-12-28 13:59:50  CMG
Share with:

Binigyang-diin sa “democratic life meeting” ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na idinaos sa Beijing mula Disyembre 26 hanggang 27, 2022, ang pagpapahigpit sa konstruksyong pulitikal at implementasyon ng diwa ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC na kinabibilangan ng mahahalagang kapasiyahan at aprubadong plano.

 

Pinanguluhan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa ang nasabing pulong.

 

Sinabi ni Xi na palagiang kinakatawan ng CPC ang pundamental na interes ng malawak na masa ng mga mamamayang Tsino, hindi ang kapakanan ng mga indibiduwal na interest group, grupong may-kapangyarihan at may-pribilehiyong uri.

 

Dagdag pa niya, walang pansariling espesyal na interes ang CPC.

 

Hiniling din niya sa mga miyembro ng Pulitburo na hubugin ang kakayahan sa pagdidisiplina sa sarili, gumanap ng papel sa pagpapasulong sa malinis na pamamahala, at magpunyagi upang tutulan ang pagkakamit ng sariling pribilehiyo.