Sa news briefing na idinaos Disyembre 30, 2022, isinalaysay ni Xu Guixiang, Tagapagsalita ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina, na umabot sa halos 5.4 milyong tonelada ang output ng bulak sa Xinjiang sa taong ito, at mas malaki nang mahigit 260 libong tonelada kumpara sa taong 2021.
Samantala aniya, patuloy na lumaki ang proporsyon ng output ng bulak sa Xinjiang sa kabuuang output sa buong Tsina, at umabot ito sa 90.2% sa taong ito. Maganda rin ang pagbebenta ng mga bulak ng Xinjiang, dagdag niya.
Tinukoy din ni Xu, na ini-imbento ng Amerika ang di-umanong “sapilitang pagtatrabaho” sa industriya ng bulak sa Xinjiang, para sirain ang kadena ng pagpoprodyus, pagpoproseso, at pagbebenta ng bulak ng Xinjiang. Pero, wala itong saysay, dahil malaki ang pamilihan ng bulak ng Xinjiang, saad niya.
Editor: Liu Kai