5 bansa, nanungkulan bilang di-pirmihang kasaping bansa ng UNSC

2022-01-05 15:37:42  CMG
Share with:

5 bansa, nanungkulan bilang di-pirmihang kasaping bansa ng UNSC_fororder_20220105UNSC650

Idinaos nitong Martes, Enero 4, 2021 sa labas ng bulwagan ng United Nations Security Council (UNSC) ang seremonya ng paglalagay ng mga pambansang watawat ng 5 bansang kinabibilangan ng Albania, Brazil, Gabon, Ghana at United Arab Emirates. Palatandaan itong nagsimula na ang limang bansa ng kanilang tungkulin bilang di-pirmihang kasaping bansa ng UNSC.

Kabilang sa iba pang 5 di-pirmihang kasaping bansa ng UNSC ay ang India, Ireland, Kenya, Mexico at Norway.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method