Sasakyang pangkargamento, matagumpay na nadakot at nailipat ng mekanikal na kamay ng istasyong pangkalawakan ng Tsina

2022-01-06 16:02:41  CMG
Share with:

Inihayag ng China Manned Space Engineering Office (CMSEO), na sa isang pagsubok umaga ng Enero 6, 2022, matagumpay na nadakot at nailipat ng mekanikal na kamay ng istasyong pangkalawakan ng Tsina ang Tianzhou-2 cargo ship.

Sasakyang pangkargamento, matagumpay na nadakot at nailipat ng mekanikal na kamay ng istasyong pangkalawakan ng Tsina_fororder_20220106Tianzhou2

Ito ang kauna-unahang pagkakataong naisagawa ng naturang 10 metrong haba na mekanikal na kamay ang ganitong pagsubok.
 

Maaaring buhatin ng naturang makinarya ang 20 toneladang bigat.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method