CMG Komentaryo: Tsina, palagiang nagpupunyagi para mabuo ang isang daigdig na ligtas sa sandatang nuklear

2022-01-06 12:35:45  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Tsina, palagiang nagpupunyagi para mabuo ang isang daigdig na ligtas sa sandatang nuklear_fororder_20220106P5

Pagpasok ng bagong taon, inilabas, sa kauna-unahang pagkakataon, ng mga lider ng 5 bansang may sandatang nuklear na kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Amerika, Britanya at Pransya ang magkasanib na pahayag tungkol sa usaping ito.
 

Diin ng pahayag, walang mananalo sa digmaang nuklear, at hindi ito dapat mangyari.
 

Inulit sa pahayag na hindi dapat maging target ng sandatang nuklear ang isa’t isa, o ibang bansa, sa halip, ang pinal na destinasyon ay pagtatatag ng isang mundong ligtas sa sandatang nuklear, batay sa simulaing ang pagwawaksi ng mga ito ay hindi makakapinsala sa seguridad ng iba’t-ibang bansa.
 

Unibersal na winewelkam ng komunidad ng daigdig ang naturang pahayag.
 

Ang pagpapaunlad ng Tsina ng sandatang nuklear ay pagpiling historikal na sapilitang ginawa sa espesyal na panahon, upang harapin ang bantang nuklear, sirain ang monopolyong nuklear, at pigilan ang digmaang nuklear.
 

Simula sa unang araw ng pagkakaroon ng sandatang nuklear, iminumungkahi ng Tsina ang komprehensibong pagbabawal at lubusang pagsira sa sandatang ito, at palagiang pinapanatili ang sariling puwersang nuklear sa pinakamababang lebel bilang tugon sa pangangailangan ng pambansang seguridad.
 

Sa mula’t mula pa’y sinusunod ng Tsina ang patakarang hindi ito mauuna sa paggamit ng sandatang nuklear sa anumang sandali at anumang kondisyon.
 

Malinaw ring ipinangako ng bansa na hindi ito gagawa ng walang pasubaling paggamit o walang babalang gagamitin ang sandatang nuklear sa ibang mga bansa’t rehiyong walang sandatang nuklear.
 

Sa katunayan, ang Tsina ay siyang tanging bansa sa limang bansang may sandatang nuklear na gumawa ng ganitong pangako.
 

Patuloy at aktibong magpupunyagi ang panig Tsino, upang gawin ang kinakailangang ambag para sa pagsasakatuparan ng pinal na target ng pagtatatag ng walang sandatang nuklear na daigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method