Tsina umaasang isasagawa ng panig Amerikano ang patakarang hindi mauuna sa paggamit ng sandatang nuklear

2022-01-07 15:51:03  CMG
Share with:

Kaugnay ng magkakasanib na pahayag ng mga lider ng limang bansang may sandatang nuklear, o kilala rin bilang P5, hinggil sa pagpigil sa digmaang nuklear, sinabi ng ilang dalubhasa at iskolar na Amerikano na kung sang-ayon ang P5 na walang mananalo sa digmaang nuklear, at hindi ito dapat mangyari, dapat mangako ang pamahalaan ni Joe Biden na hindi ito mauuna sa paggamit ng sandatang nuklear, dahil ito ay isang lohikal na hakbang.
 

Kaugnay nito, nagpahayag kahapon, Enero 6, 2021 si Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ng pag-asang makikinig ang panig Amerikano sa panawagan sa loob at labas ng bansa, totohanang bawasan ang papel ng sandatang nuklear sa patakaran ng pambansang seguridad, maghinay-hinay sa konstruksyon at pagdedeploy ng estratehikong puwersa, at isasagawa ang patakarang hindi mauuna sa paggamit ng sandatang nuklear.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method