Ayon sa ulat ng Pambansang Ahensya sa Pagbabalita ng Bahrain nitong Linggo, Disyembre 13, 2020, inaprobahan nang araw ring iyon ng Pambansang Kawanihan ng Pagsusuperbisa at Pangangasiwa sa Kalusugan ng Bahrain ang pagpasok sa pamilihang panloob ng bakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng China National Pharmaceutical Group, o Sinopharm.
Ayon sa pahayag ng nasabing kawanihan, 86% ang efficacy ng nasabing bakuna.
Noong Setyembre, mahigit 7,000 boluntaryo ng Bahrain ang sumali sa Phase III clinical trial ng nasabing bakuna. Kabilang dito ay ang Crown Prince na si Salman bin Hamad AL-Khalifa.
Salin: Vera
CMG Komentaryo: Pangako ng Tsina kaugnay ng bakuna laban sa COVID-19, natutupad
Bakuna ng COVID-19 na idinebelop ng Sinopharm ng Tsina, opisyal nang inirehistro sa UAE
Unang pangkat ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Tsina, tanggap na ng Indonesya
Espesyal na kinatawan ng pangulong Tsino: Ibabahagi ng Tsina sa buong mundo ang bakuna ng COVID-19
Pagbabakuna ng COVID-19 sa EU, sisimulan bago ang magtapos ang 2020