Arawang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lumikha ng rekord

2022-01-11 16:10:42  CMG
Share with:

Iniulat nitong Lunes, Enero 10, 2022 ng Department of Health (DOH) ng Pilipinas ang mahigit 33,000 bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at umabot na sa 46% ang positivity rate ng pagsusuri sa COVID-19.
 

Pinakamataas ang nasabing dalawang datos sapul nang sumiklab ang pandemiya sa Pilipinas.
 

Hanggang kahapon, halos 3 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso sa bansa, at 52,293 naman ang mga pumanaw.
 

Sinabi nang araw ring iyon ni Kalihim Vince Dizon, Presidential Adviser for Covid-19 response, na biglang tumataas ang pangangailangan ng mga mamamayan sa pagsusuri ng COVID-19. Pero sanhi ng kakulangan ng mga doktor, nars at tauhan sa laboratoryo,  medyo matagal ang paglabas ng resulta ng pagsusuri.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method