Pangulong Tsino, nagpadala ng mensahe ng pangungumusta sa kanyang Polish counterpart

2022-01-12 22:07:25  CMG
Share with:

Isang mensahe ng pangungumusta ang ipinadala nitong Lunes, Enero 10, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Polish counterpart na si Andrzej Duda, kaugnay ng pagkahawa ng huli ng coronavirus.
 

Ani Xi, umaasa siyang gagaling sa lalong madaling panahon si Pangulong Duda.
 

Ipinaabot din ng pangulong Tsino ang pag-asang mapagtatagumpayan ng mga Polish ang pandemiya sa lalong madaling panahon.
 

Saad ni Xi, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sinusuportahan ng Tsina at Poland ang isa’t isa, at magkakapit-bisig na nilalabanan ang pandemiya.
 

Sa prosesong ito, lumalalim aniya ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
 

Dagdag ni Xi, nakahanda siyang magsikap, kasama ni Pangulong Duda, para mapasulong ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method