Kasabay ng pagdating ng ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng Bilangguan ng Guantánamo Bay ng Amerika, walang tigil ang pagbatikos ng komunidad ng daigdig dito.
Matapos ang 20 taon, hindi pa rin itinitigil ng Amerika ang pang-aabuso sa mga preso, sa halip, ikinakalat nito ang mga lihim na bilangguan sa buong mundo.
Tulad ng komento ng La Agencia EFE, S.A. ng Espanya, ang ganitong kilos ng Washington ay nakakapinsala sa buong pandaigdigang sistema ng karapatang pantao.
Ang pangangalaga sa karapatang pantao ay hindi islogan lang, at dapat idaan ito sa aktuwal na aksyon.
Sa harap ng mga pagbatikos at kondemnasyon ng komunidad ng daigdig, dapat aktuwal na ipakita ng Amerika ang tunay nitong anyo, agarang isara ang nasabing bilangguan at iba pang lihim na bilangguan sa buong daigdig, at dalhin sa husgado ang mga tauhang nagmalabis sa tadhana ng batas.
Oras na para bigyang-wakas ang “pangit na kabanata ng tikis na paglapastangan sa karapatang pantao” na nilikha ng Amerika.
Salin: Vera
Pulido: Mac