CMG, idinaos ang aktibidad kaugnay ng Beijing Winter Olympics sa Amerika

2022-01-15 13:36:24  CMG
Share with:

Patikim ng CMG sa gagawing coverage ng Beijing Winter Olympics, hinangaan ng mga Amerikano

 

Nitong Enero 10, 2022, local time, idinaos ng China Media Group (CMG) sa Capital One Arena, Washington, D.C., Amerika, ang aktibidad bilang patikim sa mga manonood kaugnay ng nalalapit na Beijing Winter Olympics at pagsalubong sa Chinese New Year.

 

Patikim ng CMG sa gagawing coverage ng Beijing Winter Olympics, hinangaan ng mga Amerikano

Patikim ng CMG sa gagawing coverage ng Beijing Winter Olympics, hinangaan ng mga Amerikano

 

Ipinadala nina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at Qin Gang, Embahador ng Tsina sa Amerika ang mga video message sa aktibidad.

 

Ipinahayag nila ang paanyaya sa mga Amerikano na panoorin ang Beijing Winter Olympics, at ang hangarin sa magandang bunga ng mga atletang Amerikano sa palaro. Binati rin nila ang lahat para sa nalalapit na Chinese New Year.

 

Patikim ng CMG sa gagawing coverage ng Beijing Winter Olympics, hinangaan ng mga Amerikano

 

Sa pamamagitan ng video, ibinahagi naman ni Dick Pound, nakatataas na miyembro ng International Olympic Committee, at mga atletang Tsino at Amerikano, ang kani-kanilang pananabik sa Beijing Winter Olympics.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method