Ipinahayag kahapon, Enero 14, 2022, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mainit na pagtanggap sa pagdalo ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics.
Binigyang-diin ni Wang, na nitong nakalipas na ilang panahon, ipinahayag ng mga personahe ng mga organisasyong pandaigdig na gaya ng United Nations at International Olympic Committee at maraming bansa ang pagsuporta at pananabik sa Beijing Winter Olympics, at tinututulan nila ang pagsasapulitika ng palakasan. Ito aniya ay nagpapakita ng komong hangarin ng komunidad ng daigdig, na magsama-sama para sa pinagbabahaginang kinabukasan.
Nauna rito, sinabi ni Guterres, na ang Olimpiyada ay napakahalagang kaganapan, at sumasagisag ito ng papel ng palakasan para pagbuklurin ang mga mamamayan at itaguyod ang kapayapaan. Batay sa kontekstong ito at walang anumang pulitikal na pananaw, darating siya sa Beijing para dumalo at manood sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics, dagdag ni Guterres.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Tsina tinututulan ang pagdungis sa Beijing Winter Olympics sa katwiran ng "kalayaan sa pamamahayag"
Beijing 2022: bungkos ng bulaklak na gawa sa lana, gagamitin sa Winter Olympic Games
Pangulong Tsino, sinuri ang paghahanda para sa Beijing Winter Olympics at Paralympics
Presidente ng IOC, nagpahayag ng kompiyansa sa matagumpay na Beijing Winter Olympics at Paralympics