Sapul nang isaoperasyon ang China-Laos Railway noong Disyembre 3 ng 2021, hanggang kahapon, Enero 17, 2022, umabot sa 59,500 tonelada ang kabuuang bolyum ng panindang inihatid sa pamamagitan ng nasabing daambakal, at lumapas na sa 1 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng mga panindang ito.
Ang transportation network ng nasabing daambakal ay nakakaabot sa 15 na lunsod ng 9 na lalawigan sa loob ng Tsina, at mahigit 10 bansang kasali sa Belt and Road Initiative na gaya ng Laos, Thailand at Singapore.
Salin: Vera
Pulido: Mac