Sa kanyang talumpati sa ika-6 na sesyong plenaryo ng ika-19 na Central Commission for Discipline Inspection ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na idinaos kamakailan sa Beijing, binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, na gawin ang buong tatag at di-magbabagong pagsisikap, para ibayo pang pasulungin ang ganap at mahigpit na pangangasiwa ng partido.
Dagdag ni Xi, dapat igiit ang "zero tolerence" laban sa katiwalian. Hiniling din niya sa lahat ng mga miyembro ng CPC, na maging matapat sa partido at mga mamamayan.
Editor: Liu Kai