Kaugnay ng walang pahintulot na paglalayag ng bapor ng Amerika sa teritoryong pandagat ng Xisha Islands ng Tsina, inihayag kahapon, Enero 20, 2022 ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na sa kondisyong walang pahintulot ng pamahalaang Tsino, ilegal na pumasok nang araw ring iyon ang missile destroyer na USS Benfold ng Amerika sa teritoryong pandagat ng Xisha Islands sa South China Sea ng Tsina. Sinubaybayan at pinaalis ng tropang pandagat at panghimpapawid ng People’s Liberation Army (PLA) ang nasabing bapor.
Saad ni Wu, ang Xisha Islands ay katutubong teritoryo ng Tsina. Ang naturang aksyon ng panig Amerikano ay hindi ayon sa “kalayaan sa paglalayag,” sa halip, ito ay malubhang probokasyon na lumalapastangan sa soberanya ng Tsina, at nakakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Inihayag aniya ng hukbong Tsino ang mariing kawalang kasiyahan at buong tatag na pagtutol sa aksyon ng Amerika.
Diin niya, humihiling ang panig Tsino sa panig Amerikano na alamin ang katotohanan at itigil at probokasyon.
Isasagawa aniya ng hukbong Tsino ang lahat ng mga kinakailangang hakbangin, para ipagtanggol ang soberanya’t seguridad ng bansa, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Mac