Pandaigdigang batas sagot ng Tsina sa pahayag ng Kagawaran ng Estado ng Amerika kaugnay ng SCS

2022-01-14 12:10:55  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang ulat na nagsasabing ilegal ang sovereignty claims ng Tsina sa South China Sea (SCS), at wala itong batayang pandaigdigang batas.
 

Kaugnay nito, sinabi kahapon, Enero 13, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang media note at kaukulang pananaliksik ng pamahalaang Amerikano ay pumipilipit sa pandaigdigang batas, nagbabaligtad at nanunulsol kung ano ang tama at mali, at nanggugulo sa kalagayang panrehiyon.
 

Inulit din niya ang sumusunod na paninindigan ng Tsina:
 

Una, bilang signataryong bansa ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), palagiang pinahahalagahan ng Tsina ang nasabing kombensyon, at matapat na ipinapatupad ang kombensyon, batay sa istrikto’t responsableng pakikitungo.
 

Ikalawa, may soberanya ang Tsina sa mga isla sa South China Sea na kinabibilangan ng Dongsha Islands, Xisha Islands, Zhongsha Islands and Nansha Islands. Napapaloob sa internal waters, territorial sea, contiguous zone, Exclusive Economic Zone at continental shelf ang mga isla ng Tsina sa SCS. May karapatang historikal ang Tsina sa karagatang ito. Ang soberanya at kaukulang karapatan at kapakanan ng Tsina sa South China Sea ay tiniyak batay sa mahabang prosesong historikal, at umaangkop sa mga pandaigdigang batas na kinabibilangan ng Karta ng UN at UNCLOS.
 

Ikatlo, walang pagbabago, malinaw at matatag ang paninindigan ng panig Tsino sa umano’y South China Sea arbitration at hatol nito. Ilegal at walang bisa ang nasabing arbitration, at hinding hindi ito kinikilala at tinatanggap ng Tsina.
 

At ikaapat, sa kasalukuyan, nananatiling matatag sa kabuuan ang kalagayan ng South China Sea, sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Patuloy na magpupunyagi ang Tsina, kasama ng mga bansang ASEAN, para ipagtanggol ang kapayapaan at katatagan ng karagatang ito, at pasulungin ang kasaganaan at kaunlaran ng rehiyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method