Nagtagpo Linggo, Enero 23, 2022 sa Oslo, kabisera ng Norway ang delegasyon ng Afghan Taliban at mga diplomata ng Norway, Amerika at Europa, para talakayin ang mga paksang gaya ng makataong saklolo at iba pa.
Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng Taliban sa Europa, sapul nang makuha nito ang pamamahala sa Afghanistan.
Ipinagdiinan ng Ministrong Panlabas ng Norway na ang nasabing pagtatagpo ay hindi simbolo ng pagkilala sa pagiging legal ng rehimen ng Taliban.
Pero inihayag niyang hindi hahayaang magkaroon ng grabeng makataong kapahamakan sa Afghanista dahil sa kalagayang pulitikal.
Mananatili sa Norway ang delegasyon ng Taliban mula Enero 23 hanggang Enero 25.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Mga tulong na materyal na kaloob ng Tsina, sinimulang ibahagi sa Afghanistan
Tsina, nanawagang pag-ibayuhin ang pagbibigay ng makataong saklolo sa Afghanistan
Pagresolba ng makataong krisis sa Afghanistan, ipinanawagan ng IOC sa komunidad ng daigdig
Pag-i-isyu ng Visa ng pansamantalang pamahalaang Afghan, mapapanumbalik