Mga lider ng Tsina at Biyetnam, nagpalitan ng pagbati sa bisperas ng Spring Festival; Tsina, patuloy na pahihigpitin ang ugnayan

2022-01-25 12:45:53  CMG
Share with:

Sa bisperas ng Spring Festival, tradisyonal na kapistahan ng Tsina at Biyetnam, nagpalitan ng liham na pambati sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam.
 

Diin ni Xi, ang Tsina ay Biyetnam ay sosyalistang magkapitbansa at kabilang sa komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan at estratehikong katuturan.
 

Tinukoy niyang pagtanaw sa taong 2022, nakahanda siyang panatilihin ang mahigpit na pakikipag-ugnayan kay Trong, at magkasamang patnubayan ang walang humpay na pagbuti ng relasyong Sino-Biyetnames.
 

Umaasa aniya siyang patitibayin ng kapuwa panig ang tradisyonal na pagkakaibigan, pahihigpitin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalalimin ang pragmatikong kooperasyon, maayos na kokontrulin ang pagkakaiba, magkasamang haharapin ang mga hamon, at pasusulungin ang pagtamo ng bilateral na relasyon ng bagong bunga.
 

Parehong hangad ng dalawang lider na magiging masagana’t masigla ang kani-kanilang bansa, at maligaya, mapayapa at malusog ang mga mamamayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method