Mga partido at politiko ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at Timog Asya, inaasahan ang matagumpay na Beijing Winter Olympics

2022-01-25 14:22:24  CMG
Share with:

Mga partido at politiko ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at Timog Asya, inaasahan ang matagumpay na Beijing Winter Olympics_fororder_20220125ri650

Sa pamamagitan ng video link, idinaos nitong Lunes, Enero 24, 2022 ang pulong ng pagsasanggunian ng mga partido ng Tsina at mga bansa sa Timog Silangang Asya at Timog Asya.

Magkakasunod na ipinahayag ng mga kalahok na partido at politiko ang kanilang suporta at pananabik sa gaganaping Beijing Winter Olympics.

Sinabi ni Siew Fook Chan, Presidente ng Malaysia-China Twin Park Trading & Investment Association, na sa harap ng malubhang kalagayan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), mabuti ang mga ginawang hakbang ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya. Ito aniya ay nakakapagpataas ng damdaming pangkaligtasan ng mga atleta at panauhin mula sa iba’t-ibang bansa sa Beijing Winter Olympics.

Binigyan naman ng papuri ni Ganesh Prasad Timilsina, Tagapangulo ng Pambansang Asemblea ng Nepal, ang konsept ng luntiang pagtataguyod ng Beijing Winter Olympics. Ipinalalagay niyang natupad ng Tsina ang pangako nito sa pagtataguyod ng Olimpiyadang ito.

Kaugnay ng pagsasapulitika ng iilang bansa sa palakasan, ipinahayag ni Mushahid Hussain Sayed, Presidente ng Senate Defense Committee at Pakistan-China Institute (PCI), ang kanyang buong tinding pagtutol. Aniya, ang nasabing kilos ay hinding hindi pangunahing paninindigan ng komunidad ng daigdig.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method